Saturday, February 28, 2009

Puna o REkomendasyon

(pag sinulat mo wla ung mga number ha)

(1)Nagumpisa sa kalaliman at kasungitan ng hatinggabi, sa panahon nang nagkaroon ng resolusyon ang mga krisis sa iba’t ibang antas sa nobela-humantong ang salaysay sa nag-aabot na liwanag at dilim ng madaling-araw at ang pangako nitong bukang-liwayway. Sa mababaw na pananaw, muling namayani ang kapayapaan sa pagkakabalikan nina Luisa at Mauro pagkalipas ng maraming sandali ng agam-agam at sakit mg loob. Naparusahan ang mga taong nagkasala na sina Pendong, Kabisang Leon, Mang Marcos at iba pang nagdulot ng hinagpis sa ibang tauhan. Natapos na ang misyon ni Juan Galit sa kaniyang lipunan, at panahon na upnag talikuran niya ang sistemang nagtuturing na siy’y kalaban ng bayan. Subalit malinaw na hindi matatagpuan sa wakas ng noblea ang resolusyon sa maraming kontradiksyong bumuo sa akda ni Regalado. Sang-ayon kay Juan Galit, lubhang marami pang dapt gawin upang marating ang tunay na kalayaan.


(1.2)Subalit sa kkanyang pagalis,wlang pangako na isasabalikat din ng mga tauhang naiwan ang mahalagang misyon ni juan galit. Wlanag katiyakan ang magiging kalagayan pagdating ng kinaumagahan, maliban marahil sa masayang wakas ng pag-iibigan.

(2)Subalit maraming puwang at espasyong naiwan sa pagitan ng mga pangyayari, sa pagitan ng salita at gawa. Maraming pahiwatig na hindi nagkaroon ng kalamnan sa kabuuan ng nobela. Sa daan-daang pahina ng madaling araw, waring naipasok ng nobelista ang maraming salaysay, ang maraming kaisipan na sumaklaw ng mga karanasan lalo na sa anyong pampolitika.

(2.2)WAring lumikha si Regalado ng teksto na hindi lamang isang akdang gagad doon sa mga naunang anyong-pampanitikan, kundi ng isang aklat na produkto ng maraming elemento at puwersa-ang likha bilang kuwento, ang likha bilang salaysay na historical, ang likha bilang isang kalipunan ng talakayan ng mga isyung pampolitika, ang likha bilang gabay sa buhay, ang likha bilang isang pansariling bisyon ng mga magkakaugnay na aspekto ng buhay sa unang dekada ng ikadalawampung dantaon.

(3)Ang nobelang ito ay puno ng pag-ibig at damdamin, isang akdang nalahiran ng subersibong elemento spagkat naglakas-loob na tumalakay ng mga kabagayang hindi pinahihintulutan noong mga panahong iyon. Kaya’t marapat lamang na ito ay bigyang pansin at pahalagahan.

Sa madaling salita, taglay ng nobela ang maraming sangkap na nagbigay-daan upang ito ay basahin ng libo-libong mambabasa.

(4)“Tatlo lamang ang tanging pinaghahandugan ko ng aklat na ito: ang baying Maralita na araw-araw ay nagpapasan ng Krus ng Buhay, ang bayang Mariwasa na oras-oras ay nagbibilang ng Salapi, at ang Kadalagaha’t Kabinataang sa bawat sandali’y nangagarap ng kani-kanilang bukas at pag-ibig.”

-IƱigo Ed. Regalado