Saturday, February 28, 2009

Madaling Araw

Kilala bilang Odalager, si Iñigo Ed. Regalado ay isa sa mga kinikilalang mahusay noong kapanuhan niya. Isinilang noong Marso 16, 1888. Ang kanyang unang nobela ay ang Madaling Araw na nalahala noong 1909.

Tungkol sa "Madaling Araw"

Ang Madaling Araw ay isang romantiko at sosyo-politikal na akda. Bilang romantikong nobela, isinalaysay nito ang pag-iibigan ng dalawang pangunahing tauhan, sina Mauro at Luisa, ng iba pang mahahalagang tauhan tulad nina Daniel at Nieves na anak ng isang mayaman. Katulad ng karaniwang romantikong kuwento, ang pag-iibigan ay masalimuot at puno ng balakid. Tutol ang mga magulang ni Luisa, sina Mang Marcos at Aling Minang, kay Mauro sapagkat nakikita siya bilang isang taong walang ambisyon at patutunguhan dahil sa kanyang pagiging isang artista ng sining. Tutol naman ang tumatayong magulang ni Mauro, si Kabisang Leon, kay Luisa sapagkat balak niyang ipakasal ang binata kay Ines, isang kolehiyala. Kahirapan naman ang dahilan ng pagtutol ng magualang ni Nieves kay Daniel subalit nakasal naman ang dalawa nang mahuli ng ama ng babae na nagtatalik ang dalawa. Isa ring hadlang sa pag-iibigan ng mga magsing-irog ay si Pendong. Parehong umibig ang lalaki kina Luisa at Nieves subalit lubos na nasaktan nang piliin ng mga dalaga ang lalaking kanilang minamahal. Dahil dito, gumawa siya ng paraan upang sila’y magkahiwalay. Ipinamalita ni Pendong na magpapakasal sa kanya si Luisa bilang kabayaran sa pagkakautang. Nagpadala naman ng sulat si Pendong kay Daniel na nagsasabing hindi si Daniel ang ama ng dinadala ni Luisa. Parehong naniwala ang lalaki sa panlilinlang ni Pendong at kapwa lumisan. Pagkatapos nang mahabang panahon, bumalik ang dalawa sa kanilang bayan. Sina Mauro at Luisa ay nagkatuluyan subalit hindi na inabutang buhay ni Daniel si Nieves dahil sa matinding karamdaman.
Bilang sosyo-politikal na nobela, kasabay nitong inilalarawan ang panlipunan, pang-ekonomiya at pampulitikal na sitwasyon sa Katagalugan noong panahong iyon. Isinasalaysay nito ang mga usapin at pangyayari tungkol sa paggawa, pagbabago ng lipunan, kawalang katarungan, karahasan at pamamahalang Amerikano sa bansa. Ang ganitong tunggalian ay maaaring katawanin ng dalawa pang mahalagang tauhan sa nobela. Si Kabisang Leon ay kumakatawan sa kasamaan ng mga Pilipinong tumutulong sa mga Amerikano samantalang si Juan Galit naman ay kumakatawan sa mga Pilipinong sa una ay tahimik lamang sa mga nagaganap ngunit sa huli ay naging aktibo sa paglaban. Ang ganitong tunggalian ay umabot ng kasukdulan nang mapatay ni Galit si Kabisang Leon samantalang pinarusahan niya si Pendong na kumakatawan din sa iba pang mapansamantalang Pilipino. Tumatayo rin bilang tinig ng lipunan si Galit. Sa maraming bahagi ng nobela, naririnig siyang tila isang guro at propeta na nagbabahagi ng mga nararapat gawin at isipin ng kuwento. Sa katapusan, nagpaliwanag si Galit na ang kamatayan ni Kabisang Leon ay hudyat ng pagtatapos ng kadilimang dinadanas ng bansa ngunit hindi nangangahulugang lubusan na itong lumaya. Para sa kanya, nasa “madaling araw” o maagang yugto pa lamang ang tinatamasang kahirapan at maaari pang kailangang gawin upang masigurong magtutuloy-tuloy ito.
PANGKALAHATANG BUOD: Isinulat ni Iñigo Ed. Regalado noong disiotso anyos siya, ang Madaling Araw ay masalimuot at malawak na nobelang tinalakay ang maraming bagay mula pansarili hanggang panlipunan at pampulitikang usapin. Isang malaking hibla, na sinusuhayan ng ilang salaysay ang nag-uugnay sa pakikipagsapalaran ng mga tauhan. Si Mauro, isang makatang pintor ay napamahal kay Luisa, na ang magulang ay yamot sa nasabing binata. Napaibig naman si Daniel kay Nieves na anak ng isang mayaman. Ang hadlang sa kanilang pag-iibigan ay hindi lamang mula sa mga magulang, bagkus maging kay Pendoy, na nabalani sa dalawang dalaga. Noong una, naniwala ang dalawang binata sa mga maling pinagsasabi ni Pendoy laban sa dalawang dalaga. Tinalakay din ng nobela ang kondisyong panlipunan at pampulitika, lalo na ang mga dukhang pinagsamantalahan ng gaya nina Kapitan Leon, ang tiyo ni Mauro na gahamang dayuhang kapitalista. Isinakataga naman ni Juan Galit ang pangunahing tema ng nobela. Nagbabala si Juan Galit na dadanak ang dugo para sa pakikibaka, dahil tanging iyon lamang ang paraan upang maintindig nito muli ang sarili mula sa karukhaan at kaalipustaan.

PAMBUNGAD NA TALA: Ang Madaling Araw ay may tekstura ng mga naunang akda, gaya ng sinulat nina Roman Reyes at Valeriano Hernandez Peña, na gumamit ng matitingkad na imahen ng pamumuhay at gawi ng maraming bayan sa rehiyong Tagalog. Ngunit kaalinsabay ng ganitong paglalarawan ang mababalasik na tagpo ng pag-aaklas ng manggagawa, ang maiinit na pagtatalo sa paggamit ng mga paraan upang baguhin ang lipunan, at sa isang kabanata, itinampok ang kasapi ng Liga ng mga Kontra-Imperyalista at tinalakay ang mga pangunahing prinsipyo ng kilusang ito na tumututol na gawing estado ng Amerika ang Pilipinas.

Puna o REkomendasyon

(pag sinulat mo wla ung mga number ha)

(1)Nagumpisa sa kalaliman at kasungitan ng hatinggabi, sa panahon nang nagkaroon ng resolusyon ang mga krisis sa iba’t ibang antas sa nobela-humantong ang salaysay sa nag-aabot na liwanag at dilim ng madaling-araw at ang pangako nitong bukang-liwayway. Sa mababaw na pananaw, muling namayani ang kapayapaan sa pagkakabalikan nina Luisa at Mauro pagkalipas ng maraming sandali ng agam-agam at sakit mg loob. Naparusahan ang mga taong nagkasala na sina Pendong, Kabisang Leon, Mang Marcos at iba pang nagdulot ng hinagpis sa ibang tauhan. Natapos na ang misyon ni Juan Galit sa kaniyang lipunan, at panahon na upnag talikuran niya ang sistemang nagtuturing na siy’y kalaban ng bayan. Subalit malinaw na hindi matatagpuan sa wakas ng noblea ang resolusyon sa maraming kontradiksyong bumuo sa akda ni Regalado. Sang-ayon kay Juan Galit, lubhang marami pang dapt gawin upang marating ang tunay na kalayaan.


(1.2)Subalit sa kkanyang pagalis,wlang pangako na isasabalikat din ng mga tauhang naiwan ang mahalagang misyon ni juan galit. Wlanag katiyakan ang magiging kalagayan pagdating ng kinaumagahan, maliban marahil sa masayang wakas ng pag-iibigan.

(2)Subalit maraming puwang at espasyong naiwan sa pagitan ng mga pangyayari, sa pagitan ng salita at gawa. Maraming pahiwatig na hindi nagkaroon ng kalamnan sa kabuuan ng nobela. Sa daan-daang pahina ng madaling araw, waring naipasok ng nobelista ang maraming salaysay, ang maraming kaisipan na sumaklaw ng mga karanasan lalo na sa anyong pampolitika.

(2.2)WAring lumikha si Regalado ng teksto na hindi lamang isang akdang gagad doon sa mga naunang anyong-pampanitikan, kundi ng isang aklat na produkto ng maraming elemento at puwersa-ang likha bilang kuwento, ang likha bilang salaysay na historical, ang likha bilang isang kalipunan ng talakayan ng mga isyung pampolitika, ang likha bilang gabay sa buhay, ang likha bilang isang pansariling bisyon ng mga magkakaugnay na aspekto ng buhay sa unang dekada ng ikadalawampung dantaon.

(3)Ang nobelang ito ay puno ng pag-ibig at damdamin, isang akdang nalahiran ng subersibong elemento spagkat naglakas-loob na tumalakay ng mga kabagayang hindi pinahihintulutan noong mga panahong iyon. Kaya’t marapat lamang na ito ay bigyang pansin at pahalagahan.

Sa madaling salita, taglay ng nobela ang maraming sangkap na nagbigay-daan upang ito ay basahin ng libo-libong mambabasa.

(4)“Tatlo lamang ang tanging pinaghahandugan ko ng aklat na ito: ang baying Maralita na araw-araw ay nagpapasan ng Krus ng Buhay, ang bayang Mariwasa na oras-oras ay nagbibilang ng Salapi, at ang Kadalagaha’t Kabinataang sa bawat sandali’y nangagarap ng kani-kanilang bukas at pag-ibig.”

-Iñigo Ed. Regalado